top of page

Sana Ikaw ang ibigay Niya sa akin.

  • By: Jonathan D. Pilos Jr.
  • Nov 1, 2017
  • 1 min read

Mawawala rin naman to diba? Yung kilig Yung kaba Yung lito Yung bilis ng tibok ng puso ko kapag nandyan kana

Hindi naman tayo Pero bakit parang hindi ako naniniwala dito Nalilito na ako kung ano ba talaga ako sayo Meron ba? O sadyang ako lang talaga tong nagbibigay ng malisya

Pero sa tuwing magkasama tayo iba yung nararamdaman ko Puno ng sana yung isip ko "Sana hindi na matapos to" "Sana ako nalang yung mahalin mo" At "sana meron nalang na TAYO" Kasi yun lagi yung pinaparamdam mo At muling babalik sa reyalidad Na malabong maging tayo Kasi iba yung gusto mo

Mawawala rin naman ang lahat ng ito di ba?

Alam kong darating din yung araw na hindi na ako malilito Kasi malalaman ko na yung sagot sa mga tanong sa puso ko Malalaman ko na kung saan ba talaga yung lugar ko sa puso mo

Kaya sa ngayon... Dito nalang muna ako.

Sa malayo na kung saan nakatanaw lang sayo Ipipikit nalang muna ang mga mata pagkatapos Mga kamay ay pagsasamahin Titingala at idadalangin.. Na sana ikaw ang ibigay Niya sa akin.


Comments


Follow Us
  • Twitter Basic Black
  • Facebook Basic Black
  • Black Google+ Icon
Recent Posts

Join our mailing list

Never miss an update

© 2023 by Glorify. Proudly created with Wix.com

bottom of page