top of page

Tungo Sayo

  • Writer: Samiento Pilos
    Samiento Pilos
  • Oct 30, 2017
  • 2 min read

Sa pagpalit ng araw at buwan Hindi ko tinatapos ang araw ng walang katanungan Nililipad ang isip ko sa kawalan Na baka hindi ka naman talaga totoo At ikay kathang isip lamang Kasi tila mga plano mo sa bawat araw koy hindi ko maintindihan Naguguluhan ako kung san nga ba ang daan Mas masaya ako sa tinatahak ko na ngayoy aking nilalakaran Wag mo na akong pakialaman Ayokong magbago ng landas Mas kumportable ako sa kung sino ako, Huwag mo na akong lapitan Wala akong balak ibigay ang buhay ko sayo Mag-umaga man muli eto parin ako Di ako magbabago Ngunit isang araw ay napagod ako Hindi dahil sa masakit na ang mga paa ko Kungdi dahil sa hindi ko na makilala ang sarili ko Tuluyan akong napalayo sayo Kinalimutan ko ang kabilang parte ng kalsada na higit pa sanang mas maganda Na kahit gabi pa ako maglakad itoy may liwanag na dala Mas pinili ko ang madilim na kalsada Na sa paniniwalang sa kalsadang ito Ay hindi mo ako makikita at ang mga mali kong nagawa Dito sa kalsadang ito ako nagkubli, nagtago nagtayo ng sarili kong mundo Pakiusap hanapin mong muli ako Hindi ko na alam kung saan ako pabalik nito... Naliligaw na yata ako Matagpuan mo pa kaya ako??

Ngunit akoy kinatagpo Pinagpagan pa nga dahil sa mga dumi sa katawan ko Hinarangan mo pa ang mga nagdudulot ng mga pagkakasala ko Pinagtanggol mo ako Pinilit mong akoy nilayo Sa madilim na kalsadang ito At sa paglabas ko sa kadiliman Binuo mo ulit ako Ginawan mo pa nga ng mga plano Ipinakita ang kalsada At ang bago kong mundo Hindi aksidente na narito ako ngayon Sa dinamirami bakit ako ang napili mo? Hindi ako karapat-dapat sayo Pero sa minsang pagkakamali at paglayo Natatakot akong mapuntang muli sa kadiliman Maligaw muli sa kawalan Mapalayo ng tuluyan At makalimutan ka ng tuluyan

Anak, hindi madilim ang kalsada Nalimutan mong pumikit ka Naroon ako sa likod mo Inaantay muli ang pagdilat mo Anak, matagal ng maliwanag ang kalsada Anak, matagal ng maliwanag ang mga nilikha Kong kalsada Ang mga plano kong ginawa Noong una palang kitang nilikha Punong-puno na ng plano ang buhay mo Kinausap ko na ang mga bituin na alagaan at bantayan ka sa paglalakbay mo Huwag ka ng matakot Huwag ka ng magtanong kung bakit ikaw Dahil pinili na kita Simula pa nung unang tanglaw Ang mga paa moy hindi aksidenteng naririto Dahil anak gusto kong magpakilala sayo Hayaan mo lang ako na lumapit sayo Ang nais ko lang ay ang puso mo Huwag kang matakot na ibigay ito Tapat ang aking mga pangako Anak, huwag mong lagyan ng puwang ang puso mo Hayaan mo lang akong punuin yan ng pagmamahal hanggang sa yan ay tuluyang mapuno.


Comments


Follow Us
  • Twitter Basic Black
  • Facebook Basic Black
  • Black Google+ Icon
Recent Posts

Join our mailing list

Never miss an update

© 2023 by Glorify. Proudly created with Wix.com

bottom of page