top of page

Da-Best yung galing Sayo ☝☝☝

  • by: Carlo C. Tablate
  • Nov 1, 2017
  • 1 min read

Hindi naman tayo malayo Ngunit parang may pagitan sa ating pagtatagpo Tila sinusubok natin ang salitang malay mo

Naguguluhan ako sa iyong kilos Aaminin na akoy sadyang paos na paos Para kasing nag-aantay tayong parehas kung sino ang mauuna at sino ang magtatapos

Pasensya na kasi wala akong balak na mauna Alam kong nalilito ka na Na bakit parang pagong ang pag-usad ko simula pa nung umpisa Hindi naman kasi ako nagmamadali sa kung ano ang plano nya

Kung alam mo lang ang mga dinarasal ko Sa tuwing tumitingin ako sa mga mata mo Na sana kung hindi man ako ang ilaan sayo Ibigay ka sana nya, sa dalisay na puso

Ngunit sa tuwing nakatingin ako sa malayo Tila may bumubulong sa tahimik kong puso at sinasabi nito..........

Wag kang mag-alala sa istorya nyo Dahil sa umpisa pa lang nagsusulat na ako Dahil anak, masyado pang mahaba ang pahina ng libro At ng mga magiging kwento nyo

Magtiwala ka lang sa plano ko Dahil Da-best ang ibibigay ko sayo


Comments


Follow Us
  • Twitter Basic Black
  • Facebook Basic Black
  • Black Google+ Icon
Recent Posts

Join our mailing list

Never miss an update

© 2023 by Glorify. Proudly created with Wix.com

bottom of page