Pagpikit
- Carlo C. Tablate
- Oct 30, 2017
- 1 min read
By: Carlo C. Tablate

Naaalala mo pa ba ung mga araw na nakatingin na tayo sa malayo Ngunit di pa natin tanaw ang syang dulo neto Sa ilalim ng puno taimtim natin pinapakinggan ang mga huni ng ibon at kaluskos ng dahon Hindi tayo uuwi nang walang ngiting baon Ngunit akoy biglang napabangon Mag-isa lang pala ako na nakahiga sa maraming dahon Nangangarap at mahimbing lang pala ang tulog ko maghapon Naalimpungatan at nagising sa katotohanan Aantayin ko na lamang muli mag gabi at titingin nalang sa alapaap Tatabihan ko ang mga bituwin Susubukang ko itong kausapin Sa kanya ko na lamang ibubulong ang lahat ng damdamin
Hindi ang mga letra ko ang nais kong marinig mo Hayaan mo munang dumampi ang mga palad ko Dahil hindi ang ganda ng pagbikas ng mga ito Ang nais kong ipahatid sayo
Sa bawat pagpikit ng aking mga mata Minsang nagpapanggap na malapit ka na Katabi ko, na kahit alam kong tayo'y malayo Pilit kong inaabot ang anino mo
Hindi man ako ang liwanag mo Ni hindi mo nga makita ang pagsilip ko sa mga ito Isa lang ang pinanghahawakan ko Na kahit di mo ko tanaw sa dulo Patuloy na nakapikit ang aking mga mata Hindi dahil sa pinag darasal kita Dahil alam kong kawalan ito ng tiwala Sa mga pwede pa NYANG ihanda
Nakapikit ako dahil ayaw kong makita mo Na nakatingin parin ako Sa malabong malayo Nakapikit ako dahil gusto kong makita mo Na patuloy na magkadikit ang mga palad ko At patuloy na naniniwala sa Kanya na patuloy Siyang NAGPA-PLANO.
Comments