Estudyante Problems
- Samiento Pilos
- Oct 22, 2017
- 2 min read

Ito ang mga ilan sa mga hindi naman masyadong mabigat na problema na kinakaharap ng mga estudyanteng katulad ko :
Papel- ito yung no.1 problem ng lahat ng estudyante, yung tipong 1st day na first day wala agad papel hanggang matapos na yung klase, yung totoo estudyante ka ba talaga o tambay lang na napadaan sa room?
Nakawan ng ballpen- yung kabibili mo lang tapos nawawala na agad. Yung parang kanina lang hawak mo pa tapos nalingat ka lang saglit hawak at pagmamay-ari na siya ng iba.
Buraot- sila yung nabuhay nalang sa hingi, pengeng polbo, pengeng tissue , pengeng ganto... Yung totoo?? Gusto mo sayo nalang din tong bag ko?!
Pera (pamasahe/bayarin)- mapapa-kyah pem barya ka nalang kasi kinulang talaga yung dala mo, yung ginawa mo naman yung lahat pero nagkulang ka parin.
Outfit- namomoblema ka kung ano naman yung susuotin mo kinabukasan. Kasi gusto mo OOTD ka everyday para mapansin ka niya ulit at nagbabakasakaling baka maibalik ulit yung dati.
Kanino kokopya- di mo na alam kung kanino ka kokopya sa exams at assignments mo kasi andami mong choices tapos options mo lang yung iba. Yun yung masakit ee yung akala mong isa ka sa choice niya pero di naman pala.
Drawing bessies- sila yung kasama mong magplano para sa mga gala niyo tapos yun nga nauwe lang sa puro plano. Yung konting konti nalang mapupuno niyo na drawing book niyo sa dami ng mga drawing niyong plano na hindi matuloy tuloy.
Kdrama- hindi mo na alam kung kanino ka magpapapasa. Kasi sa kdrama ka nalang kinikilig kasi yung dating nagpapakilig sayo iniwan ka na kaya sa kdrama ka nalang umaasa.
Bully frenny- yung taong walang ginawa kundi mang trip mang-asar , yung wala ka namang ginagawa sa kanya tapos bigla bigla nalang darating para asarin, at kulitin ka tapos iiwan kanalang bigla kapag nagsawa na siya sayo.
Paasa- yung 30 mins ng wala si sir/maam tapos biglang dadating. Yung akala mong umalis na tapos bigla nalang dadating para guluhin yung nananahimik mo ng buhay. Hahaha peace
Lola Basyang Prof.-yung mga prof na walang ginawa kungdi magkwento tungkol sa buhay nila na akala mo naman lalabas sa test niya. Yung tipong 5mins palang yung lesson tapos nag umpisa na sa story telling niya. Yung totoo?? Buhay niyo po ba talaga
Corny Prof- yung tatawa ka nalang sa mga jokes niyang di naman nakakatuwa kasi satang naman yung effort niya. Buti pa nga siya nag-eeffort na pasayahin ka eh tapos sasayangin mo lang.
Ito pa lang yung ilan sa mga problema ng mga estudyante ang nararanasan ko sa ngayon, Ewan ko lang sa mga susunod pang taon ng pag aaral ko kung madadagan pa ba. Ikaw? May mshe-share ka pa ba?
Comentarios