top of page

10 signs that you are falling inlove with your Bestfriend

  • Nimo Sarmiento & Jonathan Pilos
  • Oct 17, 2017
  • 5 min read

"10 signs na nagugustuhan mo na siya higit pa sa isang kaibigan"

Minsan hindi natin nare-realize na nagugustuhan na pala natin yung tao pero hindi lang natin maamin to sa sarili natin kasi baka naman mali lang yung iniisip natin. Baka natutuwa kalang na kaibigan mo siya, na kakilala mo siya or friend siya ng friend mo. Kaya masaya ka kapag kasama mo siya. Pero may kaibahan naman kasi ang nararamdaman ng tao sa isang kaibigan lang at sa taong nagugustuhan na niya pala higit pa sa isang kaibigan. Pero paano mo nga ba talaga malalaman kung nagugustuhan mo na siya?

Narito ang 10 signs na nagugustuhan mo na ang isang tao ng higit pa sa isang kaibigan:

10. ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO MO KAPAG NANDYAN SIYA.

Sobrang bilis ng tibok ng puso mo dahil :

A.) Kinakabahan ka- kinakabahan ka kaya nase-self conscious ka kung okay ba yung itsura mo, okay ba yung suot mo at kung hindi ba halata na kinakabahan ka kapag nandyan siya at sobrang bilis ng tibok ng puso mo dahil sa ;

B.) Excitement- excited ka na makita siya ulit at kausapin ka kahit na magkausap lang kayo kanina. Hindi mo alam kung bakit pero nanlalamig ang mga kamay mo kapag lumalapit siya sayo kasi hindi mo naman mararamdaman yan kung kaibigan lang ang tingin mo sa tao.

9. NA AAPPRECIATE MO NA ANG PRESENCE NIYA AND YOU'LL REMEMBER EVERY LITTLE DETAIL ABOUT THAT PERSON.

- na aapreciate mo na yung mga ginagawa niya kahit mga simpleng bagay lang. Kahit nag Hi lang siya sayo dahil nakita ka niya, iisipin mo na agad " ay nag hi talaga siya, ambait niya talaga" (kasi iniisip mo hindi naman talaga yun gawain ng mga tao). Tapos you'll remember every little details about sa kanya. Yung favorite color niya, yung paborito nyang kainin, yung mga movie na pinapanood niya lagi, yung mga lugar na gustong gusto niyang pinupuntahan at yung mga paborito nyang gawin kapag free time niya, lahat yun. Kahit maliliit na bagay at kahit isang beses niya lang minention sayo, hindi mo na yun nakakalimutan.

8. NAKO-CONCIOUS KANA KUNG PAANO KA MAGREPLY SA KANYA.

- Kung dati balewala sayo kung pano ka magreply, kung may magtext/chat rereplayan mo o hindi kung hindi mo trip. Ngayon kapag nakakareceive ka ng message galing sa kanya ang bilis mo ng magreply typing... pa nga lang siya may reply kana agad, yung ang bilis mong magreply kasi ayaw mong isipin niya na busy ka or may iba kang kausap kasi baka mag back out siya kasi at this point UMAASA KANA at dahil sa ASA na yan ayaw mo na magselos siya at kung saan saan ka na dinadala ng mga paasang imaginations mo. Pero may iba naman na hindi mabilis magreply, yung kapag may narereceive silang messages galing sa taong yun maghihintay muna sila ng mga ilang minuto bago sila magreply kasi ayaw nilang isipin na interesado sila or atat silang makausap yung taong yun, syempre ganyan talaga magpapabebe muna. But it doesn't matter kung ikaw yung taong mabilis magreply or yung taong naghihintay muna ng ilang minuto bago magreply because the fact still remain na siya talaga ang pinaka una mong nirereplyan sa lahat ng mga nagchachat/ nakakachat mo.

7. LAGI MO NA SIYANG NAIISIP/NAAALALA

-lagi mo na siyang naiisip yung tipong kakagising mo palang siya na agad laman ng utak mo yung tipong maghapon siya na laman ng isip mo hanggang sa pagtulog mo siya parin yung inaalala mo. Ano na kaya yung ginagawa niya, kung busy ba siya , kung sino kaya ang kasama niya at lagi mo siyang naaalala sa lahat ng bagay na nakikita mo. Kahit yung sa pagkain lang na kinakain mo naaalala mo siya kasi into yung kinakain niya, ito yung ayaw niya-- kumakain siya ng gulay kaya kumakain ka na rin ng gulay. Naaalala mo siya sa kdrama na pinapanuod mo kasi ganyan din siya tulad ng leading man na maalaga, sweet at higit sa lahat pogi/maganda. Naiisip mo siya sa mga bagay na nakikita mo, naiisip mo siya sa sapatos na nakita mo kasi ganyan ding sapatos yung shot niya nung nakita mo siya. Kapag may mga nakikita kang nagbabasketball naiisip mo siya kasi ang galing niya rin magbasketball. Yung mga maliliit na bagay lang pero pumapasok agad siya sa isip mo.

6. BINABALIKAN MO NA ANG MGA PAST MESSAGES/MEMORIES NIYONG DALAWA

-yung matutulog ka na sana kaso of course naiisip mo nanaman siya kaya ang ginagawa mo binabalikan mo ang mga pinag usapan niyong dalawa 2minutes ago, 3 days ago or 1 week ago. Yung habang binabasa mo yung chat niyong dalawa sinasabi mo pa "ay nakakatawa talaga siya dito" "sana ganto nalang nireply ko eh" baka humans pa sana yung usapan namin kung into yung nireply ko. "Bat kasi ito yung nireply ko eh" yan tuloy natapos agad yung pinag uusapan namin. Tas ngingiti ka na parang tanga hanggang sa di mo na namamalayan na 5am na pala. Haaaayyy!! Time flies talaga kapag naiinlove ka eh.

5. YOU DRESS TO IMPRESS

-Kung dati, balewala sayo kung ano ang suot mo kapag nandyan siya kasi komportable ka sa pajama o sa simpleng t-shirt lang at kung di nakaayos buhok mo. Pero ngayon kapag nandyan siya gusto mong nakaayos ka, yung buhok mo gusto mong nakaayos, yung damit mo gusto mo maganda- gusto mo bagay sayo gusto mong gwapo ka, gusto mong maganda ka. Bibili ka ng bagong outfit kasi alam mong nandun din siya sa event na pupuntahan mo. Gusto mo na maayos ang itsura mo kapag na kaharap mo siya. Tapos kinikilig ka kapag kino-complement ka niya kahit pabiro niya lang sinasabi na "aba mukhang tao ka ngayon ahh" ayan OK na OK na yun sayo kasi that means na napapansin ka niya at bagay talaga sayo ang suot mo.

4. INI-STALK MO NA ANG FACEBOOK NIYA

-Ini-stalk mo na yung fb niya tapos kapag may nakita ka na hindi mo nagustuhan , mag eemote ka nanaman . Nag stalk ka na sa kanya kung sino yung mga friends niya, kung sino yung mga nag tatag sa kanya, kung sino yung mga nasa picture na nakatag sa kanya. Gusto mong makita kung ano yung mga shine-share niya , kung ano yung mga ini-status niya. Lahat talaga tinitignan mo pati yung "view more comments" kasi gusto mong makita kung sino yung laging nagko-comment sa mga status niya, sa mga pictures niya at tinitignan mo rin kung sino yung mga pumupuso sa mga ito at habang nang i-stalk ka sa wall niya ingat na ingat ka kasi mamaya malike mo yung post niya 1 year ago.

3. NAGPUPUYAT KANA MAKAUSAP LANG SIYA

- Yung kahit sobrang antok kana titiisi mo yun makausap lang siya. Kahit ang aga pa ng pasok mo kinabukasan lalabanan mo yung Anton kasi nga ka chat mo siya. Tapos kapag tinatanong niya " uy baka inaantok kana ah sabihin mo lang" sasabihin mo naman " ay hindi pa eh late naman talaga ako natutulog" or "ay hindi pa eh hindi talaga kasi ako makatulog" MALAMANG!! eh paano ka makakatulog eh kilig na kilig ka dyan sa kausap mo kulang nalang eh maihi ka dyan sa kinalalagyan mo.

2. BINIBIGYAN MO NA NG MEANING LAHAT NG ACTIONS NIYA

-Yung pinayungan ka lang niya kasi umuulan tapos wala kang payong akala mo gusto ka na niya agad, hello Gawain naman talaga yun ng mababait na tao no! Yung patj sweet convo niyo iniisip mo na may gusto na talaga siya sayo. Oyy feelingera ganyan talaga siya sa lahat ng tao sweet kaya wag kang Ano! Kaya ikaw naman tong umaasa sa malawak mong imaginations at iniisip mo na mahal ka na niya , na may feelings na siya para sayo.

1. HINIHILING MO NA SANA KAYO NALANG

- At dahil nga na feel mo na ang lahat lahat ng mga yun , natatagpuan mo nalang ang sarili mong hinihiling na sana ikaw nalang yung taong mahal niya, na sana kayo nalang, na sana magustuhan ka rin niya higit pa sa isang kaibigan at every time na pini-picture mo yung future mo , lagi na syang kasama sa picture na yun kasi gusto mo na siyang makasama at maging parte ng buhay mo. So kahit na dine-deny mo sa ibang tao na hindi mo siya gusto HINDING HINDI MO MALOLOKO ANG SARILI MO.


Comments


Follow Us
  • Twitter Basic Black
  • Facebook Basic Black
  • Black Google+ Icon
Recent Posts

Join our mailing list

Never miss an update

© 2023 by Glorify. Proudly created with Wix.com

bottom of page