top of page

Para sa

  • Writer: Samiento Pilos
    Samiento Pilos
  • Oct 7, 2017
  • 1 min read

Para sa, Para sa taong nandyan lagi sa likod ko Para sa taong alam ang pakhibi at magpapagaan ng loob ko Salamat sa iyo. Dati ang dami kong tanong, ang dami kong hanash. Takot ako, sanay mag isa. Pero ng dumating kayo, i've stopped asking. Mapalad tayo kung mayroon tayong mga kaibigan na nandyan lagi sa ating likod. Sumusuporta, nanglalait, nagpapasaya at nagmamahal ng totoo. May mauutangan, may maiiyakan, may masasandalan. Salamat sa walang sawang kwento at pagpapayo, pantitrip at panloloko. Salamat at binuo niyo ako kasama niyo. Kay sarap isipin ang pangarap na ating inisip ay sama sama na nating binubuo. Salamat sa pagkumpleto ng pagkatao ko. Dahil sa inyo, nahanap ko ang sarili kong masaya, may pangarap, at maloko pero may pusong totoo. Sa pagpapaunawa sa akin ng mali ko, sa pagpaparamdam sakin na mahal niyo ako at kamahal-mahal ako, sa pagsasabi sakin ng mga bagay na 'di ko akalain maririnig ko ay ilan lang sa mga ilan na ipinagpapasalamat ko. Tama nga, tunay nga. A bestie breakup is much worst than a relationship heartbreak. Kaya para sa mga kaibigan kong kasama ko sa dilim at liwanag. Ginhawa at kagipitan. Alam kong di sapat ang salamat. Pero nawa'y ang munting liham na ito ng aking kaligayahan kasama ka ay sapat na para ipaalala sa iyo na hindi kita mahal, sobrang mahal kita. Na hindi kita iiwan, hindi tatalikuran, dahil isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Kaibigan.


Comentários


Follow Us
  • Twitter Basic Black
  • Facebook Basic Black
  • Black Google+ Icon
Recent Posts

Join our mailing list

Never miss an update

© 2023 by Glorify. Proudly created with Wix.com

bottom of page