top of page

Dun tayo sa

  • Writer: Samiento Pilos
    Samiento Pilos
  • Oct 7, 2017
  • 1 min read

Dun tayo sa hindi tayo iiwan.

Dun tayo sa papanindigan yung promises nila.

Dun tayo sa taong mahal mo at mahal ka.

May taong nang iiwan. 'Di porket iniwan ka na ng mahal mo eh katapusan na ng mundo. May mga taong umaalis sa buhay natin pero hindi ibig sabihin nun eh wala ka ng pag asang mabuhay, na katapusan na ng kwento mo sa mundo. Pero sa totoo lang ito palang ang simula ng pahina ng istoryang bubuuin mo bilang tao. Masasaktan pero matututo. Madadapa pero muling babangon at tuloy parin ang laban ng buhay.

Madami ka pang makikilala, wag mong gawing miserable ang buhay mo ng dahil lang sa pag-alis niya. May mga umaalis, kasi nga may bagong dadating. Hindi man ngayon, malay mo bukas o kaya sa makalawa, huwag mong madiliin. Huwag kang mawawalan ng pag-asa kasi kung mamadaliin mo baka masaktan lang ulit yang puso mong kakabuo mo lang matapos kang iwan ng dati mong minahal. Naniniwala ako na lahat ng bagay na minadali ay nauuwi sa pagkakamali.

Kaya kung ako sayo antayin mo yung tamang panahon para sa tamang taong nakalaan sayo. At kung magkaganun, e 'wag mo na siyang papakawalan pa at huwag mo ng bigyan ng rason para saktan at iwan ka pagdating sa huli. Kaya muli, dun tayo sa taong hindi tayo iiwan.


Comentários


Follow Us
  • Twitter Basic Black
  • Facebook Basic Black
  • Black Google+ Icon
Recent Posts

Join our mailing list

Never miss an update

© 2023 by Glorify. Proudly created with Wix.com

bottom of page